♥ Happy Holloween! :)
Sunday, November 1, 2009 -{'4:16 PM
Halloween na naman. Ano ba ginagawa namen pag halloween? Well, dahil mga laking probinsya ang parents ko and almost andun lahat ng kamag-anak namen, andun lahat inilibing ang mga namayapa nameng mga kamag-anak. My two Lolo both sides and yung isa Uncle ko (RiP). Kaya di ko pa naexperience yung pumunta sa sementeryo, magdasal, matulog at kumain dun. Nagpapadasal na lang ang nanay ko dito sa bahay namen, magluluto ng biko or pansit at mapapatirik ng mga kandila sa labas ng pinto ng bahay namen. Kaugalian na satin yung magluto ng biko tuwing piyesta ng mga patay. Kung di biko, minsan mga ginataang halo-halo,mais,munggo,saging, kamote, kutsara, sapatos,papel, kumot, medyas at kung anu-ano pang anik-anik. Ewan ko, bakit ganyan. Di naman ako mahilg sa mga pagkain na yun.
So,halloween. Kumikita ngayon yung mga paranormal experts kuno dyan sa mga tv shows na feature eh mga nakakatakot na eklaus. Alam mo,di ko lam kung maniniwala sa mga yan eh. Minsan pag napapanuod ko sila sa tv like kagabi sa Imbestigador sa channel 7, kinakausap daw nila kuno yung mga kaluluwa na namatay sa bagyong Ondoy tas sumapi pa daw sakanila. May mga churva pang, "Lage mo tandaan na mahal na mahal kita, kung di man tayo natuloy dito, magsasama din tayo balang araw!". Yun ung sabi ng sumapi kunong kaluluwa sa ghost expert na pinapahatid sa naiwang asawa. Duh, drama ha. Napaka general na eh. Alam kasi na asawa nya yung namatay diba, so magiimbento sya ng salitang pang romance and all that stuffs,diba! Maniniwala sana ko kung sabihin nya yung mga personal na bagay na tipong walang alam ang mga experts kuno na yun. Like, "Yung utang ko ke mareng minda,kaw na bahala.", "Meron pa kong ipon sa posteng kawayan sa kusina na ginawa ko ng alkansya". Yung mga bagay na syempre, walang alam ang mga eksperto na yun na tanging ang magasawa lang o ang pamilya lang ng namatayan ang nakakaalam. O siguro mas nakaka-elib eh kung yung mismong namatay lang ang nakakaalam. Tas malalaman mong totoo pala. Ewan ko lang di ka kilabutan.
Haay, ewan. Buti na lang di pa ko nakaka-encounter ng mga mumo. Ayokupo. Takot din ako noh. (habang tinatype ko to,nakikiramdam na ko kasi ako lang mag-isa dito sa kwarto eh) Wala ko balak mabuksan sinsabi nilang third eye o kahit makaramdam man lang. oo! Takot ako! Kaya nga pag may kakilala kong kinukuha na ni lord, pinagdadasal ko sila at sinasabing, "Kahit maloko ka,PLEASE. Wag ka ng makipaglokohan sa kin ngayon. RIP."( gosh,nagulat ako nung tumunog cp ko,may nagtext lang pala!)
Enough na sa mumo talks.