LaLalicious {♥}


  • credits
  • designer designer designer designer designer designer designer designer designer designer designer designer
    Rewind ;
    June 2009; July 2009; August 2009; September 2009; October 2009; November 2009; December 2009; January 2010; March 2010;

    ♥ son shot his daddy soldier (in my neighborhood!!)
    Monday, June 22, 2009 -{'11:13 PM



    SUNDALO NAPATAY NG 5-ANYOS NA ANAK
    Ni Lily Reyes

    Sinalubong ng trahedya ang masaya sanang pagdiriwang ng Father’s Day ng isang mag-anak nang aksidenteng mabaril ng 5-anyos na batang lalaki ang kanyang amang sundalo na umuwi para magbakasyon at makapiling ang kanyang pamilya mula sa destino nito sa Mindanao kahapon ng umaga sa Quezon City.
    Tinamaan sa kanang bahagi ng kanyang tagiliran na tumagos sa kaliwa ang biktimang si Private First Class Apolonio Pacioles, 45-anyos, at kagawad ng Philippine Army na nakatalaga sa 54th Infantry Battalion sa Mindanao.
    Isinugod pa si Pacio­les ng kanyang misis sa Sta. Teresita General Hospital subalit idineklara itong dead on arrival bandang alas-6:40 kahapon ng umaga.
    Nalaman sa pag-iim­bestiga ni PO1 Germohines Capili ng QC Police District-Homicide Section na nangyari ang trahedya sa pamilya Pacioles bandang alas-sais kahapon ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa No. 6 Don Pepe St., Barangay Sto. Domingo, Quezon City.
    Batay umano sa salaysay ng hindi pinangalanang misis ni Pacioles, inutusan ng biktima ang 5-anyos na anak na kunin ang kanyang baril na kalibre .45 sa gilid ng kanilang kama na nasa ikalawang palapag ng bahay dahil lilinisin ito.
    Kinuha naman ng bata ang baril ngunit habang pababa mula sa ikalawang palapag ng bahay ay tinanggal ng paslit ang magazine ng kalibre .45.
    Habang papalapit sa ama ay itinutok umano ng bata ang dala-dalang baril sa kanyang tatay sabay kalabit sa gatilyo. Pumutok ang baril at tinamaan ang biktima.
    Napag-alaman sa im­­bes­tigasyon na nagbakasyon ang biktima at dumating kamakalawa ng hapon ga­ling ng Mindanao para makapiling ang kanyang pamilya sa selebrasyon ng Father’s Day kahapon.
    Nalaman din umano sa ina ng bata na tinuruan ito ng kanyang ama na magtanggal ng bala ng baril. Pero nabatid na may naiiwan umanong isang bala kapag ikinasa ang baril bago tanggalin ang magazine nito.
    Bakas pa rin sa mukha ng bata ang labis na pagkabigla at halos hindi umano ito makausap ng mga imbes­tigador sa loob ng tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Unit.
    Samantala, ipinaliwa­nag ni PO1 Capili na walang isasampang kaso laban sa bata dahil hindi naman nito alam ang kanyang ginawa bukod sa menor de edad pa.
    Ngunit kailangan pa rin umanong gumawa ng spot report kaugnay sa pangyayari dahil isang sundalo ang namatay.

    Labels: ,

    Heyo,Fellaz! Welcome to my blog!:) if you already Hate me , click here . (:
    person LOVE me .
    friendsterfacebook
    Twitter.Multiply.

  • Just Me..

  • ♥
    LaLa
    5thAug , my day . :D
    teach me to express my feelings through words...

  • Loveeees.
  • best things in the world:)

    Photobucket PhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucket Photobucket

  • speak..
  • •alright,folks..no posting shits,ok? Let's have a little respect here.

  • livefeed.


  • go find it.
  • Custom Search

  • let's make some money:)